schedule

schedule

Friday, April 23, 2010

Pinoy lotto Quotes



Here are some funny answers of some lotto readers , when ask to comment about the lotto games. Read it carefully and you may find yourself in this quotes ...

Siguro mahal ako ng panginoon, kasi di nya gusto na may masasamang mangyayari sa akin. kasi pagmananalo ako, delikado na ang buhay ko.

Di na lang ako mag aapura, maghihintay na lang ako kung kailan ako manalo ng lotto.

Kung inipon ko yung mga tinaya ko sa lotto, marami na sana akong pera ngayon. mga magkano na kaya?

Panalo na naman ako, hay naku... di ko na alam kong ano gagawin ko sa mga pera ko.

Sana ako naman ang manalo, kahit isang beses lang. sa totoo lang, ilang beses mo ba gusto talagang manalo?

Hay buhay! lahat gusto manalo. sige na nga, sana manalo na tayung lahat.

Tumataya din ako, nakukuha ko naman lahat na jackpot numbers, pero hiwahiwalay nga lang.

TAYA NG TAYA SI MAMA KASO, D SYA TUMATAMA 10 TAON NA SYANG TUMATAYA KAHIT ISA D PA SIYA NANALO, PANALONIN NYO NAMAN SI MAMA!!!!!

Nakakatuwa naman, lahat ng tao syempre gusto manalo.
Sana ako din.

Sana manalo naman ako, kasi ang tagal ko ng tumataya.

Papano ka mananalo kung hindi ka tataya?

Ang feeling ko mananalo ako ngayong taon na ito. ibig ba sabihin buong taon nanaman ako tataya?

Kailan ba talaga ako mananalo sa lotto, sino kaya ang tatanungin ko?

Sarap pala pag nananalo kahit consolation prize lang.

Ewan ko ba, kung bakit ang hirap manalo sa lotto. sabi ng kapitbahay ko madali lang daw !!!

Palagi ako tumataya sa lotto. pero kahit kailan never akong nanalo. kaya ang ginawa ko ngayon, nilagay ko na lang sa alkansya ang pera ng pangtaya ng lotto. eh di pagdating ng pasko ang laki na ng naipon ko.

Bakit kaya? pag hindi ako tumataya lumalabas ang mga numero na inaalagaan ko? pero pag tumataya ako hindi sila lumalabas?

Kung kapalaran ko talaga ang manalo sa lotto. eh di kahit paminsan minsan lang akong tumaya, mananalo at mananalo talaga ako. kung kapalaran ko nga?

Ano ba talaga ..... mananalo pa ba ako? inis na inis na ako ah !!!!

Relax lang... huwag ka mag alala, mananalo at mananalo ka. malay mo baka mamaya na yun o bukas na yun....

I hope you enjoyed reading this article and found yourself in some of this quotes.